Thursday, February 21, 2013
"JUSTICE WITHOUT FORCE IS POWERLESS!"
"HOWEVER, FORCE WITHOUT JUSTICE IS TYRANNICAL!" We came across this quote and we are presently trying to fathom its meaning and usefulness.
Ang IGLESIA EVANGELICA UNIDA DE CRISTO ay isinilang nang 1932 subali't ang binhi nito ay umusbong bago pa umigtad ang bagong siglo nuong pinagpupunyagian ng mga bayani ng ating bayan na itaguyod ang kanilang PAGKALAHI. Pinagbuwisan nila ng sariling buhay ang pagkatanto ng kanilang lahi - PILIPINO. At sa ating mga ninuno sa Unida ito ay ipinahayag nila sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang iglesiang taal na Pilipino. Self-sustaining, self-governing, self-propagating. Hindi sumandig kailanman sa salapi at ideyang dayuhan. NAGSASARILI. WALANG INAASAYAHAN KUNDI ANG DIOS LAMANG.
Ang haba ng panahon ang PANDAYAN ng isang iglesia. Sinubok ng Dios ang iglesia sa loob ng WALONG DEKADA = DEKADA OTSO. At sinusubok at susubukin pa ito. Kaya ba nating panindigan ang tinitindigan nito? Ang tipan at pangako ay sa kanila binitiwan ng Dios, at anuman tayo ngayon ay dahil sa kanila.
Sa ating mga ninuno na tumawag sa ating "MGA KAPILAS NG AMING KALULUWA" ay nais kong sabihing MARAMING SALAMAT PO!
Subscribe to:
Posts (Atom)