Wednesday, March 24, 2010
BUC CHURCH CAMP
A VISION is about to come about. Baclaran Unida Church will go on a CHURCH CAMP on April 1-3, 2010 at the Y.C. Yen James Yen Center, IRR, Silang, Cavite. And we mean the whole congregation. The camp is called “BAGONG AKO” CHURCH CAMP and this is the first time it is going to happen.
And we have our very own theme song titled “NANDYAN KA LANG PALA, LORD”, the MTV of which is above, just click the youtube video.
Layunin: Upang linangin ang kakayahan na ang bawa’t isa ay may binagong buhay at magkaroon ng isang iglesiang buhay at gumagabay.
Paraan: Tuklasin ang Dios na nasa iyo sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng Biblia, ang Salita ng Dios.
JEREMIAS 29:11-14a “Sapagkat alam Ko ang nais Ko para sa iyo.” sabi ng PANGINOON, “Nais Kong pasaganain ka at huwag kang saktan; balak Ko na bigyan ka ng pag-asa at kinabukasan. Upang Ako ay iyong tawagan at upang pumarito ka at manalangin sa Akin, at pakikinggan Kita. Hahanapin mo Ako at makikita kapag hinanap mo Ako ng buong puso. Matatagpuan mo Ako,” wika ng PANGINOON. NIV sa Filipino.
“NAND’YAN KA LANG PALA, LORD!”
Musika ni Genesis F. Luz
Titik ni Rev. Gamaliel B. Filio
Areglo nina Lance at BIGS Band
MTV Production nina Lance & Nikki Filio
Koro 1
Nandyan ka lang pala, laging kasama
Nandyan ka lang pala, hindi nag-iisa
Ang layo ng tanaw, nandyan ka lang pala
nandyan ka lang pala, hindi mawawala.
Verse 1
Nagtungo sa bundok pero wala ka
Sinisid ko ang dagat pero nas'an ka.
At kahit na anong tingin sa papawirin, wala ka
wala ka pa rin
Kahit anong aking gawin ay sisikapin
Nais ko lang ikaw ay aking makapiling
Koro 2
Nandyan ka lang pala, laging kasama
Nandyan ka lang pala, hindi nagiisa
Ang layo ng tanaw, nandyan ka lang pala
nandyan ka lang pala, hindi mawawala.
Angkinin ako Hesus, ako’y sa’yo
Ayoko ko na sa mundong kay gulo.
Angkinin mo nako Hesus, tayo na!
At ang pangako koy wala na ngang iba.
Verse 2
Sa bahay ng Ama ako’y nagtungo;
Tiyak na naroon ka sa mga pagsamba.
Sa mga awiting nakakaligaya;
sa tunog at saliw ng gitara.
At sa aking pag-iisa at panalangin
Dito sa puso’t kalul’wa Ika’y nakapiling.
(Repeat Koro 2)
Koda
Kahit anong gawin ay sisikapin;
Nais ko lang ikaw ay laging makapiling.
Sa pag-iisa at panalangin
Dito sa puso ko't kalul’wa Ika'y makapiling.
Subscribe to:
Posts (Atom)