Wednesday, March 24, 2010

BUC CHURCH CAMP




A VISION is about to come about. Baclaran Unida Church will go on a CHURCH CAMP on April 1-3, 2010 at the Y.C. Yen James Yen Center, IRR, Silang, Cavite. And we mean the whole congregation. The camp is called “BAGONG AKO” CHURCH CAMP and this is the first time it is going to happen.

And we have our very own theme song titled “NANDYAN KA LANG PALA, LORD”, the MTV of which is above, just click the youtube video.

Layunin: Upang linangin ang kakayahan na ang bawa’t isa ay may binagong buhay at magkaroon ng isang iglesiang buhay at gumagabay.
Paraan: Tuklasin ang Dios na nasa iyo sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng Biblia, ang Salita ng Dios.

JEREMIAS 29:11-14a “Sapagkat alam Ko ang nais Ko para sa iyo.” sabi ng PANGINOON, “Nais Kong pasaganain ka at huwag kang saktan; balak Ko na bigyan ka ng pag-asa at kinabukasan. Upang Ako ay iyong tawagan at upang pumarito ka at manalangin sa Akin, at pakikinggan Kita. Hahanapin mo Ako at makikita kapag hinanap mo Ako ng buong puso. Matatagpuan mo Ako,” wika ng PANGINOON. NIV sa Filipino.


“NAND’YAN KA LANG PALA, LORD!”
Musika ni Genesis F. Luz
Titik ni Rev. Gamaliel B. Filio
Areglo nina Lance at BIGS Band
MTV Production nina Lance & Nikki Filio

Koro 1
Nandyan ka lang pala, laging kasama
Nandyan ka lang pala, hindi nag-iisa
Ang layo ng tanaw, nandyan ka lang pala
nandyan ka lang pala, hindi mawawala.
Verse 1
Nagtungo sa bundok pero wala ka
Sinisid ko ang dagat pero nas'an ka.
At kahit na anong tingin sa papawirin, wala ka
wala ka pa rin
Kahit anong aking gawin ay sisikapin
Nais ko lang ikaw ay aking makapiling
Koro 2
Nandyan ka lang pala, laging kasama
Nandyan ka lang pala, hindi nagiisa
Ang layo ng tanaw, nandyan ka lang pala
nandyan ka lang pala, hindi mawawala.
Angkinin ako Hesus, ako’y sa’yo
Ayoko ko na sa mundong kay gulo.
Angkinin mo nako Hesus, tayo na!
At ang pangako koy wala na ngang iba.
Verse 2
Sa bahay ng Ama ako’y nagtungo;
Tiyak na naroon ka sa mga pagsamba.
Sa mga awiting nakakaligaya;
sa tunog at saliw ng gitara.
At sa aking pag-iisa at panalangin
Dito sa puso’t kalul’wa Ika’y nakapiling.
(Repeat Koro 2)

Koda
Kahit anong gawin ay sisikapin;
Nais ko lang ikaw ay laging makapiling.
Sa pag-iisa at panalangin
Dito sa puso ko't kalul’wa Ika'y makapiling.

1 comment:

Gene Filio said...

Kuya Galying,

Isang malugod na pagbati ang aming ipinaaabot sa nalalapit na church camp ng iglesia ng Baclarana.

Aming dalangin ang tagumpay ng gawaing ito sa ikalulugod at sa kaluwalhatian ng Panginoon Dios at sa pangalan ng ating Panginoon JesuCristo.

Bago ako magtapos nais ko lamang banggitin ang ilang bagay na natagpuan kong kailangan masusing pagaralan sa ilang bahagi ng tema ng camp at titik ng awitin;

Una, ang Jeremiah 29:11 na tema ng inyong camp ay nagpapahiwatig ng "gospel of prosperity". Dalangin ko na mali nawa ako.

Ikalawa,"Nagtungo sa MOA pero wala ka. Dinayo ang Trinoma pero nasaan ka? At kahit anong tingin sa papawirin ay Wala ka, wala ka pa rin". Ang mga titik ng awiting nabanggit ay lubhang kailangang wariin subalit hindi katanggap-tanggap. Dahil ayon sa Awitin sa Psalmo...Kahit saan ako tumingin ay nandoon ka. Maging ang mga bato ay magpapahayag ng katotohanan ng Dios. Lahat ng nilikha ng Dios ay magpapahiwatig ng Kaluwalhatian ng Dios, sapagkat lahat ng bagay ay nilikha at pagaari ng Dios.

Ikatlo, "ang nais ko lang ikaw ay makapiling." Ano ang mahalaga sa buhay ng isang mananampalatya " ang nais ko" o "ang nais mo Panginoon". Sa Gethsemane binanggit ng Panginoong JesuCristo ang ganitong mga salita "Hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod." Sumunod na mga salita ay "ikaw ay aking makapiling" Ang nais ng ating Dios siya ay ating paglingkuran ng buong puso, isip, lakas at kaluluwa, hindi lamang makapiling siya.

Ikaapat, "Angkinin ako Hesus". Ang hinihingi sa salita ng Dios ay ganito, tayo ay lumapit kay Jesus ng may pananampalataya at tanggapin si Jesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.

Ikalima, "ayoko na sa mundong kay gulo." Ang banggit sa Mateo 28 ay ganito "Humayo kayo sa mundo at ipangaral ang mabuting balita..."

Tatanggapin ko ang inyong puna kung sa tingin ninyo lihis ang aking mga nabanggit. Humihingi ako ng paumanhin subalit hindi ako mapalagay sa aking nabasa.

Dalangin ko muli ang tagumpay ng inyong gawain.

Inyo kay Kristo,
Genie