Iglap!
Tsapter Por
“Sino ka? Ano ka?”
AYAW mo ng pagbabago.
Marahan akong umiling.
Gusto mo ng pagbabago.
Iling uli.
Hindi mo alam kung gusto mo o ayaw.
Bumunghalit ako ng tawa.
Ano na nga?
Hindi naman sa ayaw. Ang hindi ko matanggap ay ang pagbabago dahil gusto lamang ng pagbabago. Hindi ko rin gusto ang pagbabagong pumapalit ng kung ano ang mayroon na sapagkat hindi magtatagal ang mga ito ang magpapabago ng kung ano ang Unida. Hanggang sa hindi mo na ito makilala. Sapagkat ito ay kopya lamang ng mga ginaya sa iba.
A second-rate, trying hard copycat!
Ikaw ang nagsabi, hindi ako.
Ipaliwanag mo pa.
Kunin nating halimbawa ang dalawang anak ko. Si Grace at si Lady. Si Grace ay mahabang magpalda, si Lady ay mag-igsi. Si Lady ay nagso-shorts ng maigsi, si Grace kung magshorts man ay mahaba rin. Si Grace ay hindi mahilig sa make-up, si Lady ay mahilig. Si Grace ay agresibo, mahirap paiyakin, si Lady ay deliberate at madaling paiyakin. Si Lady ay kayumangging kaligatan, si Grace ay mapusyaw ng kaunti. Kung babaguhin mo ang mga kaangkinan nila, hindi na sila iyon. Hindi mo na maituturo na ito si Grace at ito si Lady.
Pero walang mali at walang tama. Basta iyon lang ang personalidad nila. Magkaiba. Duon mo sila makikilala. Nguni’t pareho ko silang anak. Parehong mahal at hindi itatatwa.
Iba ang Unida sa iba. Pero si Kristo pa rin ang ulo niya. Tulad din ng ibang iglesia na hindi niya kaparis kumilos, si Kristo rin ang ulo nila. Kailangan bang magkapare-pareho, kailangan bang manggaya?
Ano ang Unida? Ano ang personalidad niya? Marami na ang hindi nakakaalam, alam mo ba?

Ang unang halo ay ang nakaraan…
Mabilis ang bugso ng mga alaala. Parang marahas na agos ng tubig sa isang nabiyak na tubo ng MWSS. Hindi mapigilan. Nangungulit. Pabalik duun sa simula ng pagkakamalay.
Ang buhay, a ang buhay ay nagsimula nang unang mabuksan ang malay. Pagkaalam mo kung sino ka at kung ano ka.
Siyam ang mga batang nakaupo sa mga mahahabang bangko sa ilalim ng lilim ng mga mayayabong na mga punong kamatsile. Ang tatlo ay walang kakilos-kilos sa kinauupan nguni’t ang iba ay hindi mapakali sa kinalalagyan. Nagbabatukan, nagkukurutan, nagsasalyahan. Nguni’t lahat ay nagkakantahan sa kumpas ng aming guro sa escuela dominical na si Tita Tibang.
“Maliliit nating paa ipaglingkod sa kanya, kamay may kailangan n’ya sa gawang magaganda, lagi nawang maglingkod kami sa iyo Jesus…lalalalalalala…”
Nalimutan ko na ang letra pero ang dibdib ko ay puno ng ligaya dahil sa hugos ng alaala. Parang buhay na buhay ang tagpo at gusto-gusto kong magbalik sa panahon. At sa sulok ng isipan ay kinapa ko ang alaala. At natagpuan.
“Paaralang lingguhan ngayo’y winakasan. Paalam, paalam kami’y magbabait.”
Tapos na ang escuela. Nguni’t biglang may isang batang tumili at nagtatatarang, kinakamot ang batok. “Higad!” ang sigaw. At bigla napalis ang mga tao sa gitna.
“Huwag mong kakamutin, babaon ang bulo.” Malumanay na wika ni Tita Tibang. “Dali, kumuha kayo ng suka.” At kinarga niya ang bata.
Nakapaligid sa malayo ang mga bata at mga magulang at sa gitna ay naruon si Tita Tibang at pinapahiran ng bimpong may suka ang batok ng maliit na bata upang alisin ang makating bulo. At unti-unti ang palahaw ng iyak nito ay humupa hanggang sa maging hikbi na lamang at tuluyang mawala.
At ang tagpo sa muni-muni ko ay hindi makatkat ang mapagpalang kamay ng Dios sa lahat ng panahon sapagkat ako iyong bata, si Galying.
Ang lahat ay mayroong simula at mayroong wakas. Maliban sa Dios na naroon na bago magsimula at sa pagwawakas ng lahat ng bagay ay naruruon pa rin. Ang tao ay wala pa nang magsimula, nilikha siya pagkatapos na likhain ng Dios ang buong sangsinukob at ipinagkatiwala sa kaniya. Pero ang tao bagama’t wawakasan ng kamatayan ay hahakbangan ito patungo sa walang hanggang kung kasama niya ang Dios. Kung siya ay mananampalataya. Sapagkat nilikha siyang kamukha ng Dios upang maging walang hanggang kaakbay ng Anak ng Dios.
(Sundan sa susunod na kabanata….)
No comments:
Post a Comment