Iglap!
Tsapter Tu
“Pen de Serapen, de kutsilyo, de almasen..”
Anong klaseng aklat ba ito? Seryoso o nagpapatawa? Malalim o mababaw? Pangmasa o pangmayaman? Mamili ka….sige… “penpen de serapen de kutsilyo…” Teka isang tanong pa, English ba o wikang Filipino. Jack en Poy na lang kaya?
Ang buhay ay pamimili. Bago ka pa isilang pamimili na agad.
“Ang gusto ko,” sabi ng nanay mo, “kung babae Consuelo at kung lalaki ay Segismundo.”
“Matanda pa sa humukay ng ilog ang mga pangalang iyan,” sansala ng tatay. “Dapat modern tulad ng Edward o Catherine, me arrive.”
Pero siyempre hindi magpapatalbog si Lola. “Hindi maaari. Ang magiging pangalan niya ay Telesforo kung lalaki at kung babae Brigida.”
“Hep-hep! Tekamuna! Susundin natin ang kalendaryo ni Honorio Lopez,” sabad ni Lolo Bonifacio, “Maria o di kaya ay Jose. Iyan ang magiging pangalan ng unang apo ko.”
Kamukat-mukat, ang naging pangalan ng apo? Segismundo Edward Telesforo Jose Bonifacio M. Dimaculangan. At ang sumunod na babae naman ay naging Consuelo Catherine Brigida Maria Lagrimas M. Dimaculangan.
Ang siste ay ito, nang magsimula nang mag-iskul ang dalawang apo ay galit na galit sa kanila ang dalawang apo sapagkat hirap na hirap pag-aralan ang pagsulat ng kanilang mga pangalan.
Kamukat-mukat uli, ang lalaki ay naging Edward na lamang at ang babae ay, nahulaan ninyo, Catherine. PAMIMIILI. Sila rin ang nasunod sa huli sa legal names nila.
]
Maraming mga Dios sa “Pamilihan” ng mga relihiyon at pananampalataya. Singluma na ito ng “Lumang Tipan” o Old Testament. Nguni’t iisa lamang ang tunay na Dios.
There is only ONE God.
There is only One Lord.
There is only Saviour.
There is only Name given for our Salvation.
JESUS.
Ang buhay ay isang paglalakbay sa pakikipatagpo sa tunay na Dios at sa tunay na tagapagligtas. Natagpuan mo na ba siya?
Biglang naging seryoso, no? Pero lutasin natin ang tanong ko sa simula, anong uring aklat? Seryoso o nagpapatawa? Malalim o mababaw? Pangmasa o pangmayaman? English o wikang Filipino? Kung IISA lamang ang Dios ay kabaligtaran ang dami ng klase ng aklat. Ano ang aklat na itong sinulat namin?
Inimbento ng mga kano ang ice cream at ang iba’t ibang sundaes at malalamig na sweets. Pero wala silang HALO-HALO. Pinoy ito. May labing-dalawang halong minatamis at sa ispesyal na halo-halo ay mayroon pang dalawang scoop na sorbetes sa ibabaw ng kinaskas na yelo na hinaluan ng gatas.
Ang lahat ng ito ay hahaluin mo sa isang mataas na baso hanggang hindi mo na mapansin ang kaskas na yelo at ang mga minatamis ay magkakahalo na. Malamig, masarap, matamis at pinoy na pinoy.
Ang aklat na ito kung gayon ay parang halo-halo. Minsan ay nagpapatawa at minsan ay seryoso. Kadalasan ay mababaw nguni’t may pagkakataon din namang malalim. Pero minsan naman ay hindi mo mawari kung malalim o mababaw. Minsan English, minsan Filipino. Pangmasa ito kung gusto mo at pangyaman kung pagiging-dapatin mo. Nasa iyo, hindi ka pipilitin. Sapagkat ikaw naman ang kakain…upsss…babasa pala.
Kung ang aklat na ito ay magiging kasing-sarap ng Halo-Halong Pinoy, ewan namin. Pero sana…..sana…
(Sundan sa susunod na kabanata…)

No comments:
Post a Comment