Iglap!
"At Biglang Dumating Ang Bukas!"
Ni Rev. Gamaliel B. Filio
Unang Kabanata Ng Isang Serye
PROLOGUE
Matagal ko nang binalak na sumulat ng isang aklat. Ito para sa akin ay isang bagay na tiyak. Ang nasa balag ng alanganin lamang ay kung kelan. Pero nawala na ang alinlangan. Ngayon na.
Ang unang dalawa at kalahating tsapter ng librong ito ay isinulat namin nuong 1999. Ipinakita namin ito sa aming lektura ukol sa Pastoral Leadership sa harap ng mga laykong nag-aaral sa Lay Leaders institute bilang pagpapakilala sa sarili at sa aming pananaw ukol sa iglesia at sa bagong mundo.
Naging napakabilis ng pagbabago ng mundo. Bigla. Iglap. Naganap ng halos hindi mo napuna. Nagising tayo isang umaga na ang iglesia, at ang lahat ng mga institusyon, at ang lahat ng tao ay nasa harap na ng isang BAGONG MUNDO. Ano ang gagawin ng Iglesia? Ito ang papaksain ng libro sa isang kakaibang paraan ng pagsasalaysay.
Ito sabi ang ko nuong 1999 sabay lagay sa mesa ng manuskrito. Nanatili ito duon. Hanggang nuong 2001 ay itanong sa akin ng isang layko kung nasaan na ang aklat na ipinangako kong tatapusin ko nuong 1999. Lumipas pa ang dalawang taon bago ko muling dinampot ang manuskrito at eto na nga. Tikman ninyo.
Ang tanong e me karapatan ba naman akong sumulat? S’yanga naman. Sino ba iyong nagsabing ang isang manunulat ay isinisilang, hindi ginagawa. Paano ito malalaman ng isang tao? Madali para sa akin. Ganito ‘yun! Ang sukatan ay kung ma-publish ang akda mo ng mga nangungunang publikasyon. Ang una kong short story ay nalathala sa Liwayway. Marami pang sumunod sa Bulaklak, Pilipino Free Press, Tagumpay, atbp. Nagwagi na rin ako ng Gantimpalang Liwayway sa pagsulat ng nobela na may pamagat na “Sigwa.” Sa lahat ng mga akdang ito ay binayaran ako. Biruin mo, inilathala na ang akda mo binayaran ka pa! Nang tanggapin ko ang isang libong pisong gantimpala mula sa Liwayway Publications nuong 1966, sinabi ko sa sarili, manunulat na nga ako.
Iisa ang una kong nakilalang evangelista o tagapangaral. Malakas ang kaniyang tinig, mahusay magsermon, at sa tingin namin nuon ay memorize yata niya ang buong Bibliya, pati ang kilalagyan ng bawa’t aklat, kapitolo, at versiculo. Mahusay siyang magturo at nuong kaniyang kapanahunan ay hindi natatakot sa patalim o baril sa kaniyang pangangaral ng tamang aral sa mga tribunang pampubliko. Hanggang sa siya ay pumanaw ay siya pa rin ang nag-iisang evangelista para sa amin. “Kasi tatay mo siya,” ang itutudyo sa akin ng iba. At isasagot ko, “Tama, ang nag-iisang dahilan ay sapagkat tatay namin siya.”
Ang aklat na ito kung gayon ay binanghay namin sa alaala ng aming ama, Ob. Eugenio R. Filio, Sr…. At sa aming inang si Aling Delay, ang aking unang guro, bago pa dumating ang aking mga guro sa paaralan. At sa huli, sa asawa ng pastor na ayaw patawag ng pastora, si Lucy Mariano Filio, retired principal ng Baclaran Elementary School.

Tsapter Wan
“Iglap! Minsan, Isang Araw….”
Nagising ako isang madaling araw. Bumalikwas.
Susulat ako ng isang libro! Malakas na wika ko.
Bumungkalit ako ng tawa. Sino naman ang me sabi sa’yo na me karapatan kang sumulat ng isang banal na aklat? Nanununya. Nang-iinsulto.
Hindi banal na aklat ang isusulat ko. Nag-iisa lamang ang Banal na Aklat. Ang Biblia. Ang lahat ng iba ay nagpapanggap lamang. Tanong ko. Sagot ko.
Ang taray mo naman!
Taroy! Hindi taray. Lalaki ako.
Nagpapatawa ka ba o ano? Hindi ako natatawa! E, ano kung gayon ang isusulat mo?
Tungkol sa paksang alam na alam ko. Ako…. At aking iglesia. Ang Unida.
Ha!!!! Sino naman ang babasa ng tungkol sa iyo? Ano naman ang tingin mo sa sarili mo? Si Og Mandino? Si Max Locado? Si John Maxwell? Si Charles Swindoll? Si Billy Graham?
Oo nga ano? Alisin na natin ako. Ang Unida. Iyan ang isusulat ko.
O, di ang aklat ay pang-Unida lamang?
Ang aklat ay para sa lahat sapagkat ang manunulat ay para sa lahat.
At ipamimigay mo ng walang bayad!
At ibibigay ko sa mga magbabayad.
Nahihibang ka! Nasisira ang ulo!. Nababaliw! Kahit ipagbili mo iyan ng mura ay walang tatangko sa iyo.
Hindi ko ipagbibili ng mura. Mahal! Iyong kapag pinakawalan mo ang pera ay pahahalagahan mo ang binili mo. Ang nagbibigay ng kahalagahan sa isang bagay ay ang halagang ipinapalit natin upang ito ay maging atin.
Saan mo naman natutunan iyan?
Sa Dios!
Sa Dios?
Oo, nagkaroon ka lamang ng malaking kahalagahan sa harap ng tao at sa harap ng demonyo nang bayaran mismo ng Dios sa pamamagitan ng buhay ni Kristo ang buhay mo. Kaya’t pati demonyo ay alanganin sa’yo, kasi alam niya kung gaano ka kahalaga sa Dios. Hindi basta-basta Niya pababayaang mapasa-demonyo ang isang binayaran Niya ng sariling buhay.
Tingnan mo! Tingnan mo kung paano kang magsalita. Salitang kalye.
Sa kalye ako nagmula. Ito ang aking wika.
Ow? Hindi ako naniniwala. English. Bakit hindi English ang gamitin mong wika. Mahilig ka du’n di ba? Ang yabang-yabang mo pa nga, inglis ka nang inglis sa mga sermon mo. Sa tingin ko nga, gusto mo buong sermon mo inglis. Why don’t you use English in your book?
Ano ang silbi ng paggamit ng isang wika na hindi naman naiintindihan ng lahat! Ang isang wika ay ginagamit upang maunawaan ka. Kung hindi ka nauunawaan ng lahat ay ano ang silbi nito? Para ka lamang nagbato ng salita sa hangin.
Ang ganda naman ng sinabi mo. Orihinal ba iyan?
Hindi.
Saan mo kinuha?
Sa Biblia.
Saan duon?
Sa kaniyang kabuuan.
Ang ibig mong sabihin ay kailangang basahin ko ang buong Biblia?
Oo. Upang maunawaan mo ang sinasabi nito.
Nakakatuwa ka.
Nakakatuwa o nakakatawa?
May pagkakaiba ba?
Ang nakakatawa ay nakakasakit ng damdamin. Ang nakakatuwa ay nakakaintriga.
Kung magsalita ka ay parang hindi ka pastor…parang karaniwang tao lang.
Karaniwang tao lang ako bago ako naging pastor. Karaniwang tao pa rin ako ngayon.
(Sundan ang kasunod na kabanata…..)
No comments:
Post a Comment